Military Science 41-42. Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City, Philippines.
Mahirap maging cadette officer. Mahirap, pero masaya. Masaya kasi makakakilala ka ng mga taong di mo akalaing magiging kaibigan mo. Iba ibang lugar, iba ibang school at iba ibang kultura sa paghandle ng ROTC Unit. Some people will teach you new lessons or techniques in life. Minsan naman bonding na akala mo mga kapatid mo na sila na naghaharutan.
Siguro mas close ko pa sila kesa sa mga tao dito sa lugar ko. Karamihan sa amin estudyante, mayroon ding EP o Enlisted Personnel na may balak mag opisyal.
Hindi kami puro exercise at pahirap sa training. Madami kaming natututunan dito. Masaya kasi sa ROTC. Matututo ka, mag eenjoy ka at magkakaron ka ng madaming kaibigan. Kahit nga mga GMA (Graduate Military Assistant) magiging kaibigan mo pagkatapos ng training e.
Bilang isa sa mga cadette officers dito sa NCR (National Capital Region) gusto ko sanang mahikayat ang mga incoming freshmen sa college o kahit sino na mag undergo ng training ng ROTC. Di ka lang tuturuan maging prepared sa mga disasters o mga first aid, kundi magiging parte ka pa ng Armed Forces of the Philippines o AFP. Natuto ka na, pwede ka pang magsilbi sa bayan mo.
Pero bago ko marating itong kinatatayuan ko ngayon, naging isa akong mabuting tagasunod. Hindi ako magiging leader kung di ako naging tagasunod. Lagi ko ding iniisip ang mga tao sa paligid ko at sa nasasakupan ko, ika nga nila.. Welfare of men, Tulungan din dapat, hindi porket ikaw ang nasa itaas ay mag mamataas ka na. Instead, maki angkop ka sa kanila at wag kalimutan kung san ka nagmula. Help each other.
(#)