Thursday, March 26, 2015

End of School Year 2014-2015



PUP Linear Park





Pasig River (sunset)



Tapos na ang school year 2014-2015 pero madami pa din akong inaasikaso sa school. Yung mga madadamot sa grade na mga Professor kailangan suyuin. Yung mga Professor na mga pa-bebe na nakikipaglaro ng hide-and-seek sa estudyante. :3 Nakakaasar pero wala ka namang magawa dahil estudyante ka at kailangan mong magtyaga para sa future mo. 

Since pagod ako, nag-unwind muna ako sa Linear Park ng PUP Sta. Mesa (Polytechnic University of the Philippines). Dito kasi ako nakakaramdam ng kaginhawaan sa katawan. Maririnig mo yung pagaspas ng tubig kahit di naman kalinisan ang tubig pero the fact na maririnig mo yung tubig.. sarap na sa pakiramdam. Kasama na yung mga punong nakatanim sa Linear Park, ang sarap pagmasdan. Makakakita ka din ng Ferry na every 30 mins may pumapasada. Mga yacht na naka-park sa gilid at ang huli ay ang magandang sunset na matatanaw mo. Di man ito kasing ganda ng nakikita sa Manila Bay pero makikita mo naman ang magagandang ulap na pumoporma sa kalangitan at ang paligid nama'y nagkukulay kahel.