Saturday, July 25, 2015

Sunday Activity



Me, teaching Basic Map Reading and Land Navigation



Pinning of ranks.



 

After the Sunday Training we went to MSg Sonajo's house. We visit and had a snack. We had fun.
Acuña on the left and Valdesco on the right, cooking french toast. :D

Wednesday, July 1, 2015

Went Missing







I don't know what happened to me for the past 2 days. Yung iba sinasabi nagrerebelde ako pero hindi. Maybe I just want to escape from my cage. I just wanna live my life for a day. Di ko alam talaga kung anong sumagi sa isip ko.

I'm with my new friends. Sabi nila I should text my parents but I didn't listen to them. They were right and I know that it's right too. But I'm too scared to do that kasi alam kong mali na ko e. Pero kahit alam kong mali na ako, hindi ko pa ginawa yung alam kong tamang gawin. Napangunahan ako ng takot.

I went to Taytay, Rizal. Didn't thought na hindi ako makakauwi that night because I was planning to visit LANG. Pero nauwi sa hindi ko pagtravel pauwi ng bahay.

My parents are looking for me. Sinadya kong hindi buksan phone ko kasi alam ko at natatakot na ako sa kung anong pwedeng mangyari.

I was happy but sad. I don't know. Mixed emotions. Di ako nagrerebelde. Di ko lang talaga alam kung anong sumagi sa isip ko at nagawa ko yun. I didn't take drugs or anything when I went missing.

They planned to put my face all around PUP Manila na I'm missing. My close friends, and buddies didn't know where I am. Wala naman kasing nakakaalam. I didn't tell anyone of my whereabouts. Ipapa-blatter na ko sa police, ipapalagay na ko sa TV News, etc.

Nung umuwi ako.. Wala akong narining from my parents. My sister helped me out para makauwi ako. Kung wala ate ko, siguro wala pa din ako sa bahay ngayon. 

Thursday, June 18, 2015

TURN-OVER OF COMMAND (2nd CMO Company, CMOBn) Ceremony and Bonding with Buddies





Before the fight. :) Photo-ops. :D



Boodle FIGHT!


Sang a song for entertainment. :)




Bane, Marcy, Ely and me. -_- Natawa ko sa photo na 'to. 




Went to CMOBn (NCR), CMOG, Philippine Army at Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. We attended the Turn-over Ceremony of 2nd Company. :)

Meeting with our new PUP ROTC Unit Commandant after ng boodle fight then bonding with buddies at McDonalds (Gateway). Had fun.

Sunday, May 24, 2015

Brigada Eskwela 2015, CMOBn with PUP ROTC Cadette Officers






























Brigada Eskwela 2015.

Masaya akong nakatulong sa paglilinis at pagpapaganda ng eskwelahang ito. :D Enjoyable. Nakisalamuha sa ibang mga taong tumulong at masayang nakatulong.

Mahalaga ang isang malinis at kaaya ayang paaralan dahil mas gaganahan pang mag-aral ang mga bata. Dahil kung marumi at nakaririmarim ang paaralang pinapasukan nila, baka mas pipiliin na lang nilang nasa bahay. At least kung nakikita nilang maganda, at malinis ang paligid maeengganyo sila. Parang mall, maganda sa paningin kaya masaya magtungo doon. 

Tuesday, May 19, 2015

Advance ROTC Academic Phase Training MS41-42









Military Science 41-42. Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City, Philippines.

Mahirap maging cadette officer. Mahirap, pero masaya. Masaya kasi makakakilala ka ng mga taong di mo akalaing magiging kaibigan mo. Iba ibang lugar, iba ibang school at iba ibang kultura sa paghandle ng ROTC Unit. Some people will teach you new lessons or techniques in life. Minsan naman bonding na akala mo mga kapatid mo na sila na naghaharutan.

Siguro mas close ko pa sila kesa sa mga tao dito sa lugar ko. Karamihan sa amin estudyante, mayroon ding EP o Enlisted Personnel na may balak mag opisyal.

Hindi kami puro exercise at pahirap sa training. Madami kaming natututunan dito. Masaya kasi sa ROTC. Matututo ka, mag eenjoy ka at magkakaron ka ng madaming kaibigan. Kahit nga mga GMA (Graduate Military Assistant) magiging kaibigan mo pagkatapos ng training e.

Bilang isa sa mga cadette officers dito sa NCR (National Capital Region) gusto ko sanang mahikayat ang mga incoming freshmen sa college o kahit sino na mag undergo ng training ng ROTC. Di ka lang tuturuan maging prepared sa mga disasters o mga first aid, kundi magiging parte ka pa ng Armed Forces of the Philippines o AFP. Natuto ka na, pwede ka pang magsilbi sa bayan mo.

Pero bago ko marating itong kinatatayuan ko ngayon, naging isa akong mabuting tagasunod. Hindi ako magiging leader kung di ako naging tagasunod. Lagi ko ding iniisip ang mga tao sa paligid ko at sa nasasakupan ko, ika nga nila.. Welfare of men, Tulungan din dapat, hindi porket ikaw ang nasa itaas ay mag mamataas ka na. Instead, maki angkop ka sa kanila at wag kalimutan kung san ka nagmula. Help each other. 

(#)